Sa survey na ginawa mula Dec. 16 hanggang 18, lumitaw na sa nasabing porsyento, 13 percent ang naniniwalang kayang tuparin ni Duterte ang “halos lahat ng kaniyang mga ipinangako” habang 35 percent naman ang naniniwala na kayang tuparin ng pangulo ang “karamihan sa kaniyang mga pangako”.
Six percent ang nagsabi na walang matutupad sa mga pangako ni Pangulong Duterte at 46 percent naman ang nagsabi na konti lang sa kaniyang mga pangako ang matutupad.
Ang resulta ng Dec. 2018 survey ay mas mataas kumpara sa March 2018 survey ng SWS kung saan nakapagtala ng 46 percent.
Sa ginawang survey, kinapanayam ang 1,440 na mga respondent sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.