Gayunman, sakop lamang ng kautusan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan (LGU) at government owned and controlled corporation (GOCC).
Dalawang circulars ang inilabas ni Diokno na nag-uutos sa mga lokal na pamahalaan at GOCCs na ilabas na ang ika-apat na bugso ng dagdag-sweldo ng kanilang mga empleyado sa ilalim ng salary standardization law.
Sa anunsyo ni House Majority Leader Rolando Andaya, sinabi nitong sa wakas ay natauhan na si Diokno na ibigay na ang umento sa sahod ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Na-realize na anya ni Diokno na kailangan na nitong ipatupad ang batas ukol sa salary increase ng government employees kahit sa ilalim ng reenacted budget.
Ang DBM circulars na Local Budget Circular No. 118 at Corporate Budget Circular No. 23 ay parehong pinirmahan ni Diokno noong Martes at ang effectivity date ay noong January 1.
Ayon kay Andaya, ang paglalabas ng kalihim ng circular ay nangangahulugan lamang na tama ang kanyang sinasabi.
Una nang sinabi ng kongresista na pwedeng iutos ng DM ang paglalabas ng pondo para sa dagdag sweldo kahit hindi pa naaprubahan ang 2019 national budget.