CHR-Central Visayas bubuo ng team para imbestigahan ang pagpatay sa dating piskal ng Cebu City

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights in Central Visayas (CHR – 7) kaugnay sa kaso ng pagpatay sa dating Cebu City Assistant Prosecutor na si Mary Ann Castro.

Sa ulat ng Cebu Daily News, sinabi ni CHR–7 Director Arvin Odron na bubuo sila ng team ng special investigators para imbestigahan ang kaso.

Sinabi ni Ordon na tatlong special investigators ang hahawak sa kaso.

Tiniyak din ni Ordon na bubusisiing mabuti ng CHR ang kaso at makikipag-ugnayan sila sa law enforcers.

Kinondena din ng CHR-7 ang ginawang pagpatay kay Castro.

Hiniling din ng CHR sa mga otoridad na tiyaking maamdaliin ang imbestigasyon at agad madakip ang mga suspek.

Read more...