Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang 5.9 percent na inflation sa huling bahagi ng nakaraang taon.
Mas mabagal ito kumpara sa 6.2 percent sa ikatlong kwarter ng 2018.
Ang pagbaba ng inflation ay inanunsyo ni BSP Director Dennis Lapid sa 4th quarter 2018 inflation report briefing.
Nag-settle aniya ang average inflation ng mas mataas sa 2018 inflation target range pero bumagal ito sa 4th quarter ng nakaraang taon.
Dahil dito, ang full year average inflation rate ay nasa 5.2 percent na mas mataas sa national government target range.
Sinabi naman ni BSP Assistant Governor Francisco Dakila Jr. Na ang mababang inflation ay dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market, globalization ng food supply at pag-stable ng exchange rate gaya ng halaga ng piso kontra dolyar.