Isinusulong pa rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsasagawa ng random inspection sa mga bag at locker ng mga mag-aaral.
Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, ang suhestyon lamang naman ito na maaring ikunsidera ng Department of Education (DepEd).
Inirerespeto naman aniya ng PNP ang kasunduan nito sa mga education institution na ang mga pulis ay hindi maaring makapasok basta-basta sa school premises.
Pero kung sakali naman na papayagan ang inspeksyon ay ang mga school officials aniya ang gagawa nito.
Sinabi ni Eleazar na sa aktwal na implementasyon ng pag-iinspeksyon sa mga bag at locker ay maaring ang mga guro kasama ang PTA officers ang gumawa ng pagsusuri.
Papasok lang aniya sa eksena ang mga pulis kapag may nakitang ilegal na droga at iba pang ilegal na bagay.