Base sa kautusan na ipinalabas ni Immigration Commissioner Jaime Morente, epektibo ngayong araw, Jan. 18, ang 514 na mga tauhan sa NAIA ay magpapalitan ng pwesto.
Ito ay upang maiwasan umano ang korapsyon ng mga immigration personnel lalo na’t inaashan na naman ng pamunuan ng paliparan ang dagsa ng mga pasahero sa mga susunod na buwan.
Sa nasabing bilang, halos kalahati ay na re-assigned sa NAIA Terminal 3 dahil tumaas ang bilang ng mga pasahero doon matapos madagdagan ng tatlong international airlines na pawang galing sa NAIA terminal 1.
Taong 2017 nang unang ipinatupad ang malawakang balasahan sa NAIA.
Ayon kay Morente walang exempted sa reshuffle at lahat ng immigration personnel ay naapektuhan.