Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang aktibidad alas 11:00 ng gabi mamaya (Jan. 18).
Narito ang mga maaapektuhang kalsada:
SOUTHBOUND:
1. C-5 Road bago sumapit ng Pasig Blvd., C-5 flyover
2. C-5 Road sa harap ng SM Aura
3. EDSA pagkalagpas ng Lagarian Creek hanggang Ernie Garcia (beside MRT)
NORTHBOUND:
4. EDSA pagkalagpas ng Oliveros St. (2nd lane mula sa sidewalk)
5. MacArthur Highway Caloocan City (SB) kanto ng Calle Cuatro Mindanao Avenue, Valenzuela City (NB) mula P. Dela Cruz hanggang NLEX
6. Batasan Road bago mag-Payatas Road (1st lane)
Samantala, maliban sa road repair at reblocking ng DPWH, mayroon ding ilang kalsada na maaapektuhan ng restoration at concreting works ng Maynilad at ng Globe Telecom.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Mindanao Ave. (SB) mula Socorro St. hanggang Mindanao Ave. (1st lane mula sa sidewalk)
2. Commonwealth Ave. Kanto ng Soliven St., Litex at Riverside, Brgy. Commonwealth
Ayon sa MMDA, lahat ng apektadong kalsada ay bukas na sa mga motorista alas 5:00 ng umaga sa Lunes, Jan. 21.