Pang. Duterte kakausapin ang mga menor-de-edad na nasagip sa Navotas buy-bust

Inquirer Photo / Richard Reyes

Nakatakdaang kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga menor-de-edad na nasagip sa isang buy-bust operation sa Navotas kamakailan.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino, nakausap niya ang presidente at nagtanong kung pwede bang makausap ang mga bata pati ang kanilang mga magulang.

Naiyak daw si Pangulong Duterte nang mapanuod ang video ng mga na-rescue ng mga bata.

Sinabi ni Aquino na dadalhin ang mga ito sa Malakanyang sa susunod na linggo, para sa dayalogo sa pangulo.

Ang labing dalawang menor-de-edad na na-rescue ng PDEA ay kasalukuyang nasa Bahay Pag-Asa sa Navotas City.

Sinabi naman ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon, isa sa mga ito ay naghanap pa raw ng isang energy drink dahil “bumaba na raw ang tama niya.”

Noong Miyerkules (January 16), arestado ang nasa labing anim na katao sa buy-bust operation sa Barangay North Boulevard, sa Navotas.

Read more...