Dating vice mayor ng Malabon itinalaga bilang Undersecretary ng DSWD

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Malabon City Vice Mayor Mark Allan Jay Yambao bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Yambao noong Martes at isinapubliko ito ngayong araw ng Biyernes (Jan. 18).

Bago maitalaga sa nasabing pwesto, si Yambao ay nanilbihan bilang vice mayor sa Malabon mula 1995 hanggang 2004.

Samantala, itinalaga din ni Pangulong Duterte si Michelle Aguilar-Ong at Atty. Lucille Karen Malilong-Isberto bilang board members sa Nayong Pilipino Foundation.

Read more...