NBI inatasan ng DOJ na imbestigahan ang pagpatay sa dating piskal ng Cebu City

Ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na pumasok sa imbestigasyon sa pananambang sa dating Cebu City prosecutor na si Mary Ann Castro.

Inatasan din ni Guevarra ang NBI na tukuyin sa lalong madaling panahon kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Castro.

Si Castro ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan, Huwebes ng gabi sa Lahug, Cebu City nang siya ay barilin ng nag-iisang suspek na nakasakay ng motorsiklo.

Kabilang sa tinitignang anggulo sa pagpatay kay Castro ay ang mga kasong hinawakan nito na may kinalaman sa ilegal na droga.

Naging kontrobersyal din umano ang nagdaang relasyon ng biktima kaya tinututukan din ito ng pulisya.

Read more...