2 babae arestado sa Pasig sa pagbebenta ng ilegal na droga

Pasig City Police Photos
Arestado ang dalawang babaeng sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Pasig City.

Ayon kay Sr. Supt. Rizalito Gapaz, acting chief of police ng Pasay City Police Station, isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Dr. Sixto Avenue, Barangay Caniogan.

Nadakip sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Leonida Ocampo alyas Nida, 28 anyos at May Galfo alyas May, 25 anyos, na kapwa residente ng Hagonoy, Taguig City.

Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.

Agad dinala sa Rizal Medical Center (RMC) sa Pasig City ang mga suspek para maisailalim sa medical examination.

Nakakulong ngayon sa Pasig City detention cell ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.

Read more...