Panahon sa Baguio City lumamig pa; Metro Manila bahagyang tumaas

Lumamig pa ang temperatura sa Baguio City habang bahagya namang tumaas ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw (Jan. 18).

Ayon sa PAGASA, alas 5:00 ng umaga, naitala ang 12.5 degrees Celsius sa Baguio City. Mas malamig ito kumpara sa temperatura na naitala kahapon sa lungsod na 14 degrees Celsius.

Samantala sa Metro Manila naman, bahagyang tumaas ang temperatura na naitala ngayong umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA forecaster Ana Clauren, 20.4 degrees Celsius ang naitala sa PAGASA Science Garden, alas 6:00 ng umaga.

Kahapon ay naitala ang 19 degrees Celsius sa Metro Manila na pinakamalamig na panahon para sa NCR ngayong Enero 2019.

Sa Tuguegarao naman ay nakapagtala ngayong araw ng 20 degrees Celsius na mas mataas din kumpara sa 19 degrees Celsius na naitala kahapon.

Read more...