Mga Pinoy sa Tripoli, Libya pinag-iingat matapos sumiklab ang kaguluhan doon

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya dahil sa pagsiklab ng kaguluhan doon.

Ayon sa DFA, batay sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli mayroong anim na nasawi at mahigit 20 ang nasugatan sa kaguluhang sumiklab sa Qasir Ben Ghashir District mula pa noong Miyerkules.

Pinayuhan ng embahada ang nasa 1,800 na mga Pinoy Tripoli na manatili sa ligtas na lugar at iwasang magtungo sa magugulong lugar.

Ang mga nasa Tripoli ay pinapayuhang imonitor ang sitwasyon at kung maari ay manatili sa loob ng kanilang tahanan.

Sakali namang kailangan ng tulong ay maaring tumawag sa Embassy hotline number na +218 91 824 4208.

Read more...