Phase 1 ng Manila Bay rehab inumpisahan na

DENR Photo

Nagsagawa ng clean-up, clearing at relocation operation ang Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila.

Ang Estero de Magdalena ay karugtong ng Pasig River at mayroong 928 na informal settlers na naninirahan sa palibot nito.

Natuklasan din na ang nasabing estero ay mayroong mataas na fecal coliform base sa water sampling data ng Environmental Management Bureau ng DENR.

Ang cleanup sa mga estero at waterways ay bahagi ng Phase I Action Plan sa Manila Bay rehab.

Read more...