3 Pinay arestado sa Thailand dahil sa umano ay ilegal na fund-raising

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong tatlong Pinay na inaresto sa THailand dahil sa pagsasagawa ng ilegal na fund-raising.

Dinakip ang tatlong hindi pinangalanang Pinay sa harapan ng isang restaurant sa Phettrakul sa Bang Lamung District, Pattaya, Thailand.

Nagsasagawa umano ng fund-raising ang tatlo at sinasabing sila ay kinatawan ng Children’s Joy Foundation.

Inaalam na ngayon ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Bangkok ang kondisyon ng tatlo.

Sinabi ng DFA na nakipag-ugnayan na si Philippine Ambassador to Thailand Mary Jo Aragon para payagan siyang mabisita ang mga nakulong na Pinay.

Tiniyak din ng DFA na pagkakalooban ng karamatapang tulong ang tatlo.

Read more...