9 patay, 24 sugatan sa car bomb sa Colombia

Patay ang 9 na katao at sugatan ang mahigit 20 pa sa car bomb sa isang police academy sa Bogota, Colombia.

Ang kotse ay ibinangga malapit sa General Santander School bago tuluyang sumabog.

Kinondena naman ni Colombia President Ivan Duque ang insidente at tinawag itong ‘miserable terrorist act’ laban sa mga otoridad.

Iniutos na din ni Duque sa mga security forces ang agad na apgtugis sa mga nasa likod ng pag-atake.

Agad namang nagtungo sa academy ang pamilya at mga kaanak ng mga kadete para alamin ang sitwasyon.

Read more...