PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Jan. 18

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Valenzuela City at Antipolo City sa Rizal.

Sa abiso ng Meralco, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Canumay West.

Ito ay dahil sa gagawing paglalagay at pagpapalit ng kanilang pasilidad sa bahagi ng NLEX Southbound.

Samantala, alas 10:00 ng umaga naman hanggang alas 2:00 ng hapon, mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Brgy. San Isidro sa Antipolo City.

Ito ay dahil naman sa gagawing pagpapalit ng poste ng Meralco sa bahagi ng Saarland Village II.

 

Read more...