Angeline Quinto nagtanghal para kina Pangulong Duterte at Sri Lankan President Sirisena

Angeline Quinto Instagram

Nagpahayag ng kasiyahan si Angeline Quinto matapos ang kanyang pag-awit sa state banquet na inihanda para kay Sri Lankan President Maitripala Sirisena.

Nasa bansa ang Sri Lankan leader para sa limang araw na state visit.

Umawit mismo sa harapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sirisena si Quinto.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ng Kapamilya singer ang ilan sa mga larawan kasama ang dalawang pangulo.

Sinabi nito na isang karangalan na makaawit sa harapan ng dalawang lider.

Anya, isa umanong magandang pagkakataon para maibahagi ang talentong Filipino sa mga bisita mula sa ibang bansa.

Sa isang larawan, makikita na piinagitnaan nina Duterte at Sirisena si Quinto habang nakapose ng ‘Duterte fist bump’ ang lahat.

Read more...