Pinoy sugatan sa bus accident sa Thailand

Isang turistang Filipino ang sugatan matapos maaksidente ang kanyang bus na sinasakyan kasama ang 22 pang Filipino sa Chumphon province sa Southern Thailand.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), nawalan ng kontrol ang bus sa highway sa naturang bayan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Mary Jo A. Bernardo-Aragon, nagtamo ng minor injuries ang Filipino at agad namang pinaalis matapos bigyan ng atensyong medikal.

Ang 23 Filipino umano ay ipinagpatuloy agad ang kanilang biyahe paputang Phuket.

Read more...