Donnie Nietes, kumpyansang mananalo si Pacquiao kay Broner

Kumiyansa ang isa pang Filipino boxing champion na si Donnie Nietes na mananalo si Manny Pacquiao kontra kay Adrien Broner.

Nakatakdang depensahan ni Pacquiao ang kanyang WBA World welterweight title kay Broner sa Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa isang panayam, sinabi ni Nietes na hindi man mapabagsak ni Pacquiao ang kalaban eh sigurado naman anyang mananalo ito.

Umaasa si Nietes na magiging maganda ang labanan ng dalawang boksingero dahil magaling din anya si Broner.

Ang WBA World welterweight title ay napanalunan ni Pacquiao kay Lucas Matthysse noong July 15, 2018 sa pamamagitan ng knockout.

Habang si Broner naman ay susubukang makasungkit ng unang panalo matapos ang pagkatalo noong February 2017.

Read more...