Davao Occidental at Sorsogon niyanig ng lindol

Niyanig ng halos magkasunod na lindol ang Davao Occidental at Sorsogon Huwebes ng gabi.

Ayon sa impormasyon ng Phivolcs, magnitude 3.7 ang naitala sa Saranggani, Davao Occidental alas-11:14 ng gabi.

Ang episentro ng lindol ay sa layong 184 kilometro Timog Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 31 kilometro.

Alas-11:31 naman ng gabi ng tumama ang isang magnitude 3.4 na lindol sa Prieto Diaz, Sorsogon.

Ang episentro ay sa layong 19 kilometro Timog Silangan ng Prieto Diaz.

May lalim itong 13 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng dalawang pagyanig.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at kasunod pang mga pagyanig o aftershocks.

Read more...