Ayon kay Atty. Justin Batocabe, nagkasundo ang kanilang pamilya, Malakanyang, Kamara at Philippine National Police (PNP) na ibigay ‘in tranches’ ang nakolektang reward sa mga suspek na na sina Christopher Naval alyas Tuping, Danilo Muella, Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.
Hindi kasama rito ang dalawa sa suspek na bumaril at nakapatay kay Batocabe na sina Henry Yuson at Rolando Arimado o alyas RR.
Naglatag naman ng mga kondisyon ang pamilyang Batocabe na ibibigay ang reward money sa pamilya ng apat para gamitin sa kanilang seguridad, pang-araw araw na pangangailangan, at pag-aaral ng mga anak.
Hindi naman tutol ang pamilya Batocabe na maipasailalaim sa Witness Protection Program ng gobyerno ang mga ito.