90% share sa service charge para sa hotel at resto workers aprubado na sa Kamara

Youtube

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang naglalayong ibigay ang malaking porsyento ng service charge sa mga restaurant at hotel sa mga empleyado.

Sa botong 208 na Yes at walang pagtutol pumasa ang House Bill 8784.

Nakasaad sa panakula na ibibigay ang hanggang 90 porsyento ng service charge sa mga rank and file at supervisory employee ng mga hotel at restaurant.

Kapag naging batas, paghahatian ng mga nasabing empleyado ng patas ang makukuhang service charge.

Ang matitirang 10% naman ang mapupunta sa management ng mga nasabing establisemento para sa mga masisirang gamit at ibibigay din sa local managerial employee.

Hindi naman maaring isama sa kwenta ng minimum na sahod ng mga kawani ang ibibigay sa kanilang bahagi ng service charge.

Aamyendahan ng ipinasang panukala ang article 96 ng Labor Code of the Philippines kung saan 15 porsyento ng nakukuhang service charge ang napupunta sa management.

Nilinaw ng mga may akda na hindi dehado ang mga negosyo at investor sa nasabing panukala.

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa noong Disyembre ng 2017 ang bersyon nito sa Senado.

Read more...