Panelo: Banta sa buhay ni Trillanes bunga lang ng ilusyon

Inquirer file photo

Guni-guni lamang ni Sen. Antonio Trillanes na may ginagawang pagbabanta ang administrasdyon sa kanyang buhay.

Tugon ito ng palasyo sa hirit ni Trillanes na bigyan siya ng gun ban exemption ng Commission on Elections (Comelec) para makapagdala ng baril ang kanyang mga bodyguard dahil sa banta sa seguridad sa kanyang buhay.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,hindi na pinagtutuunan ng pansin ng administrasyon si Trillanes.

Ilusyon lamang aniya ang senador na pinagpa-planuhan siya ng administrasyon na patayin o ilagay sa peligro ang kanyang buhay.

“He is being ignored. Hindi nga siya pinapansin. He is an illusionist. I’m no longer surprised”, ayon pa kay Panelo.

Nagsimula ang election period sa bansa sa noong January 13 at tatagal ng hanggang June 12, 2019.

Dahil dito iiral ang gunban subalit maaring mabigyan ng exemption ang ilang indibiduwal na may banta sa buhay.

Read more...