Sa pagtatapos ng APEC leaders’ meeting ay isang statement of solidarity ang kanilang inihayag sa pamamagitan ng pagkondena sa mga naganap na terror attacks sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Inindorso nina U.S President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping, Russian Prime Minister Dmitri Medvedev at Pangulong Noynoy Aquino ang APEC leaders’ declaration pagkatapos ng summit.
Nilagdaan ng mga economic leaders ang nasabing pahayag na kumokondena sa anumang uri ng terorismo.
Kabilang dito ang naganap na bombing sa Beirut Lebanon na nagresulta sa kamatayan ng 43 katao at pagkakasugat ng 200 na iba pa.
Binatikos din nila ang naganap na bomb attack sa isang Russian plane sa Sinai na nagresulta sa kamatayan ng lahat sa 224 katao na pasahero nito.
Pinaka-huli ang naganap na terror attack sa Paris France na nag-iwan ng 129 na patay at tatlong daan na mga sugatan.
Nagkasundo ang mga APEC leaders na magpalitan ng impormasyon at magtulungan sa kampanya laban sa mga grupong nasa likod ng terorismo partikular na ang ISIS.