Pambato ng Paraguay itinanghal na Best in Swimsuit sa Miss Intercontinental pageant na ginaganap sa Pilipinas

Ang pambato ng Paraguay na si Gabriel Soley ang itinanghal bilang Best in Swimsuit sa preliminary competition ng Miss Intercontinental pageant.

Ginanap ang kompetisyon sa Grand Ballroom ng Okada Manila, Miyerkules ng gabi, kung saan inirampa ng 90 mga kandidata ang kanilang two-piece swimsuit na likha ni HOney Lim.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Karen Gallman ay nakatangap ng Miss Feber Health Body Beautiful Award.

Idinaos din ang Fashion Show ng mga kandidata kung saan tampok ang mga evening gown na likha ng mga designer mula sa Pilipinas.

Ang coronation night ng Miss Intercontinental ay gaganapin sa January 26 sa Mall of Asia Arena.

Read more...