Ito ay bilang daanan ng mga bagahe na naglalaman ng ilegal na droga.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na may mga sindikato ngayon ng ilegal na droga ang gumagamit sa mga baggage counter sa mga mall para doon ibagsak at doon din kukunin ang kontrabando.
Paliwanag ni Aquino, isang tao ang aatasan para ideposito sa baggage counter ang package na naglalaman ng ilegal na droga.
Matapos ito, aatasan ang nasabing tao na ibigay ang numero sa isa pang contact na naroon lang din sa lugar na siya namang tutubos o kukuha ng idinepositong package.
Dahil dito sinabi ni Aquino na madalas na idinadahilan ng mga naarestong drug courier na hindi alam ang laman ng bagahe na kanilang idineliver at hindi rin nila kilala kung sino ang pinagbigyan.
Sa ganitong pagkakataon aminado si Aquino na nahihirapan ang PDEA sa pag-interrogate sa mga naaarestong suspek.
Bunsod nito sinabi ni Aquino na mahalagang kumpleto ang surveillance camera sa loob ng mga mall at supermarkets.