Sinampahan ng kaso ni Rihanna ang sarili nitong ama dahil sa paggamit sa negosyo ng brand name na ginagamit na rin ng singer sa kaniyang sariling business.
Isinampa ni Rihanna o Robyn Rihanna Fenty sa tunay na buhay ang kaniyang reklamo sa korte sa Los Angeles laban sa kaniyang ama na si Ronald Fenty at dalawa nitong business partner.
Ito ay kaugnay sa Fenty Entertainment talent and production company na pag-aari ni Ronald Fenty.
Si Rihanna ay gumagamit ng “Fenty” na trademark para sa kaniyang negosyong cosmetics, lingerie, at sneakers.
Hiniling ni Rihanna sa korte na magpalabas ito ng injunction order at atasan ang kaniyang ama na itigil ang paggamit sa brand name na “Fenty”.
Nakasaad din sa reklamo na si Rihanna ay walang kinalaman sa Fenty Entertainment pero ginagamit nito ang kaniyang pangalan.
Binanggit sa reklamo ang isang insidente noong 2017 kung saan tinanggap ng Fenty Entertainment ang offer para si Rihanna ay magperform sa Latin America sa halagang $15 million.
Sa kaniyang reklamo humihingi rin ng karampatang danyos si Rihanna.