Auxiliary officer ng Coast Guard huli sa pagbiyahe ng colorum na sasakyan

I-ACT Photo

Naharang ng mga tauhan ng Inter Agency Council on Traffic (I-ACT) ang isang colorum na AUV habang bumibiyahe sa Buendia sa Pasay City.

Nakita ng mga tauhan ng I-ACT kasama ang mga operatiba ng LTFRB Central at PNP-HPG ang Colorum AUV na nagsasakay ng pasahero malapit sa LRT Buendia Station.

Nang parahin sa bahahi ng World Trade Center ay natuklasan na isang Auxiliary Officer ng Philippine Coast Guard ang driver ng sasakyan.

And naturang driver ang itinuturong lider ng mga colorum sa ruta ng Buendia-SM MOA-DFA.

Magmumulta ng P200,000 ang lalaki bago matubos ang kanyang sasakyan na mai-impound ng 3 buwan.

Read more...