4 na sundalo ng Amerika kabilang sa 16 na nasawi sa bomb attack sa Syria

AP Photo

Labinganim ang patay sa bomb attack na naganap sa northern Syria.

Inako na ng international terrorist group na Islamic State ang nasabing pag-atake.

Ayon sa isang US official, apat na sundalong Amerikano ang kabilang sa mga nasawi habang mayroon pang tatlong sugatan.

Nagsasagawa umano ng routine patrol ang US military nang mangyari ang pagsabog sa bayan ng Manbji.

Noong nakaraang buwan lamang sinabi ni US Pres. Donald Trump na babawiin na ang lahat ng 2,000 tropa ng Amerika sa Syria dahil natalo ang ISIS doon.

Read more...