2 babae timbog sa tangkang pagpuslit ng droga sa Clark Port

Arestado ang dalawang babae matapos subukang magpuslit ng iligal na droga sa Port of Clark sa Angeles City, araw ng Miyerkules.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nakilala ang mga suspek na sina Edna Valenzuela, kilala rin bilang Belinda Azures, 44 anyos at si Judy Ann Valenzuela, 22 anyos.

Sa tulong ng Bureau of Customs ay nagsagawa ang PDEA agents ng ‘controlled delivery’.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kahon na naglalaman ng apat na kilong shabu

Read more...