Tulak ng droga arestado sa Tabaco City

Timbog sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Bicol ang isang tulak ng droga sa Tabaco City.

Ayon kay PDEA Bicol acting director Christian Frivaldo, positibong nagbenta ng hinihinalang shabu sa undercover agent ang suspek na si Orville Cas, 42 anyos.

Itinuturing na high value target si Cas at nasa top 5 drug watchlist ng lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang 10 gramo ng shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga.

Read more...