Installation ng bagong aircon units sa mga bagon ng MRT-3 natapos na

Masayang inanunsyo ng Department of Transporation (DOTr) na natapos na ang installation ng mga bagong air-conditioning units (ACUs) para sa mga bagon ng Metro Rail Transit (MRT) – 3.

Kabuuang 78 ACUs ang matagumpay na nai-deliver para sa mass transit.

Ang 78 ACUs na ito ay nagkakahalaga ng P116.5 milyon at bahagi ng rehabilitasyon ng MRT.

Dahil sa mga bagong aircon, asahan na umanong mas gaganda ang commuting experience ng mga mananakay ng MRT-3.

Read more...