Pasahe sa PNR, planong itaas ngayong taon

Pinag-aaralan ng Philippine National Railways (PNR) ang posibilidad ng pagpapatupad ng taas-pasahe para sa taong ito.

Ito ay para matugunan ang gastos sa kanilang operasyon at maintenance.

Apektado rin kasi ng ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng TRAIN Law ang PNR dahil diesel ang nagpapatakbo sa mga tren nito.

Ayon kay PNR General Manager Jun Magno mayroon nang nabuo na fare matrix ang kanilang planning team.

Ipinatutupad na ang ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo kung saan may dagdag na P2.24 sa kada litro ang diesel at gasolina habang P1.12 sa kada litro ng gaas.

Read more...