2 bagong patrol boats mula France, ikinomisyon ng PCG

Ikinomisyon ng Philippine Coast Guard ang dalawang bagong patrol boats na binili pa mula sa France.

Sa commissioning ceremony na ginanap araw ng Miyerkules (January 16), pinangalanan ang mga barko na Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Malamawi at BRP Kalanggaman.

Itinalaga bilang commanding officer ng mga barko sina Lieutenant Commander Rolando Lorenzana at Commander Glen Daraug.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni PCG commandant, Admiral Elson Hermogino na ito na ang pinakamabilis na patrol boats ng bansa.

Dahil sa dalawang bagong barko na idagdag sa fleet ng PCG, mas magiging maganda umano ang operasyon ng kanilang hanay.

Gagamitin ang mga ito para paigtingin ang operasyon laban sa smuggling at illegal fishing.

Read more...