Lalaking tumakas sa Comelec checkpoint sa Bulacan, patay

Patay ang isang lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang pagtakas nito sa checkpoint ng mga pulis sa San Ildefonso, Bulacan.

Ayon kay PO1 Gringo Durante ng San Ildefonso Police, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang tumakas sa inilatag nilang checkpoint sa Barangay Poblacion.

Hinabol nila ang mga ito na nagresulta sa pagpapaputok ng baril ng mga suspek.

Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para bawian ng buhay ang angkas ng motrosiklo habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at tinutugis naman ang isa pa.

Nakuha mula sa nasawing suspek ang kalibre .38 na baril.

Read more...