PH Azkals, laglag na sa 2019 AFC Asian Cup

Bigo ang Philippine Azkals an maipagpatuloy ang kanilang kampanya sa AFC Asian Cup.

Ito ay matapos muling matalo ang koponan sa kanilang laban sa Kyrgyzstan sa iskor na 3-1, araw ng Miyerkules (Jan. 16).

Gumawa naman ng kasaysayan si Stephan Schrock bilang kauna-unahang manlalaro ng bansa na nakapagtala ng goal sa kompetisyon.

Gayunman, ang historic goal ni Schrock ay hindi sapat para magpatuloy pa ang Azkals sa Asian Cup.

Bagaman bigong magpatuloy ay nauna nang ipinakita ng Azkals ang fighting spirit nito laban sa powerhouse na South Korea matapos maitala ang 0-1 pabor sa SoKor.

Read more...