Sa joint press statement ng dalawang lider kagabi sa Malacañang, sinabi ng pangulo na mas maiging magtulungan ang Pilipinas at Sri Lanka para solusyonan ang naturang problema.
Kasabay nito nagkasundo din ang dalawang lider na palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa sektor ng defense, education, agriculture at people to peoples cooperation.
Natalakay din ng dalawang lider ang poverty reduction.
Sa panig naman ni Sri Lankan President Sirisena, pinasalamatan nito ang pangulo na nabigyan siya ng pagkakataong makabisita sa bansa.
Inimbitihan din ni Sirisena si Pangulong Duterte na bumisita sa Sri Lanka sa mga susunod na araw.