Bundok sa Kerala, India, naakyat ng isang babae sa unang pagkakataon

Courtesy of Dhanya Sanal

Gumawa ng kasaysayan ang babaeng si Dhanya Sanal matapos maakyat ang tuktok ng Mt. Agasthyakoodam sa southern Kerala.

Si Sanal, 38 anyos ang kauna-unahang babae sa bansa na nakaakyat sa bundok.

Lalaki lamang ang pinapayagang umakyat sa naturang bundok dahil sa religious reasons.

Noong Nobyembre, pinayagan ng korte sa Kerala ang mga babae na akyatin ang bundok na may taas na 6,128 talampakan dahil hindi umano maaaring ibatay sa kasarian ang trekking.

Bagaman may mga katutubo na nagprotesta sa pag-akyat ni Sanal sa bundok, hindi naman anya siya pinigilan ng mga ito.

Isang women’s group naman sa Kerala ang natuwa sa ginawang kasaysayan ni Sanal.

Ani Divya Divakaran, miyembro ng grupo, umabante na ang kanilang adhikain na tuldukan ang gender discrimination sa kanilang bayan.

Read more...