Motel sa Quezon City, nasunog

(UPDATED) Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isang motel sa Quezon City.

Sumiklab ang apoy sa motel na nakatayo sa kanto ng Timog Avenue at Tomas Morato kaninang alas-tres ng madaling araw.

Nagsimula ang sunog sa ikalimang palapag ng motel at agad namang naibaba ang guests nito.

Alas-4:08 naman ng itaas ng Bureau of Fire Protection sa ikalawang alarma ang sunog at patuloy pa ring inaapula.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang motel tungkol sa sunog at patuloy na iniimbestigahan ang sanhi nito.

Read more...