Proteksyon ng mga migrant workers pinaigting ng Pilipinas at Sri Lanka

Courtesy of Chona Yu

Nagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sri Lankan President Maithripala Sirisena na paigtingin pa ang pangangalaga sa migrant workers.

Sa joint press statement kagabi sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na kapag nagkatulungan ang Pilipinas at Sri Lanka, matitiyak ang proteksyon ng kapwa mamamayang manggagawa sa ibang bansa.

Kabilang sa napagkasunduan sa pagitan ng dalawang bansa ang pagpapalakas sa defense military education kaya kumbinsido ang pangulo na makakamit lamang ang defense and security kung matatag, mapayapa at maayos ang buong rehiyon.

Ayon pa sa pangulo, kinikilala ng pilipinas ang tulong ng Sri Lanka sa pagsusulong ng disaster at humanitarian relief at maritime security.

Sa panig naman ni Sri Lankan President Sirisena, sinabi nitong ang naisarang kasunduan kagabi ay simula ng mas matibay na relasyon at kooperadyon ng dalawang bansa

Nasa bansa si Sirisena para sa limang araw na state visit.

Read more...