Gamot kontra cancer tax-free ayon sa DOH

Ikinakasa na ngayon ng Department of Health at ng iba’t ibang non government organizations na gawing exempted na rin sa buwis ang mga gamot kontra sa sakit na cancer.

Pahayag ito ng DOH matapos ihayag na 12 percent tax free na ngayon ang mga gamot kontra sa sakit na diabetes, hypertension at anti-cholesterol.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Health Usec. Eric Domingo na tinatrabaho na ngayon ng inter-agency working group at iba’t ibang NGO ang pagiging tax free ng mga gamot kontra sa cancer.

Ayon kay Domingo, malakas ang panawagan ng mga pasyente ng cancer na gawing VAT-free ang kanilang gamot dahil sa mataas na presyo nito.

Nilinaw naman ni Domingo na hindi nila isasama sa tax exemption ang mga gamot para sa dialysis.

Sa ngayon ay limitado lamang sa ilalim ng Train Law ang pagbibigay ng libreng buwis sa mga maintenance medicine para sa sakit na hypertension, diabetes at high cholesterol.

Read more...