Sa sesyon ng Kamara ngayong hapon, nirepaso ang kabuuan ng panukala na kanilang naunang inaprubahan.
Inalis na bilang miyembro ng Road Board ang tatlong tinaguriang Road Board Kings na DENR, DPWH at DOTr.
Ilalagay naman sa General Fund ang nakolektang P45 Billion mula sa Motor Vehicles Users Charge (MVUC) o road users tax na nakapaloob sa 2019 budget.
Ang nasabing halaga ay gagamitin para sa repair, rehabilitation at reconstruction ng mga kalsada, tulay, drainage systems gayundin sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camarines Sur na maaring gagamitin niya ang pondo ng Road Board sa Region 5 na nabiktima ng bagyong Usman.
Kahapon nagpulong sina Senate Majority Leader Migz Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto at House Majority Leader Rolando Andaya kung saan napagkasunduan na tuluyan nang i-abolish ang Road Board.