Umabot na sa 83 ang naaresto at 82 ang nakumpiskang armas sa checkpoint operations sa buong bansa sa unang tatlong araw ng election period.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Benigno Durana Jr., sa nakalipas na 24 oras lamang ay nagsagawa ng 28 checkpoint operations sa buong bansa.
Pero mula anya sa simula ng election period noong January 13 ay 82 na armas na ang nakumpiska.
Ilan anya sa mga ito ay loose firearms kaya naging maganda ang resulta ng checkpoint.
Sinabi ni Durana na nabawasan ang loose firearms sa bansa bunsod ng checkpoint.
Ayon pa kay Durana, ilan sa mga naaresto sa checkpoint na may baril ay lehitimong gun holders.
Pero ang iba na iligal na may pinag-iingat na baril ay sasampahan ang mga ito ng kasong carrying firearms outside of residence.