Magdaraos ang Commission on Elections o Comelec ng mock elections para sa nakatakdang May 13, 2019 national and local polls.
Sa advisory ng Comelec, gagawin ang mock elections sa darating na Sabado (January 19, 2019), mula alas-singko ng umaga hangggang ala-una ng hapon.
Kabilang sa mga lugar kung saan isasagawa ang mock elections ay ang sumusunod:
National Capital Region:
– Quezon City (1st at 2nd districts)
– Manila (5th district)
– Pasig (2nd district)
– Taguig (1st district)
– Pateros (1st district)
– Valenzuela (1st district)
– At Muntinlupa City
Luzon:
– Alaminos City at Dagupan City, Pangasinan
– Tuguegarao City, Cagayan at Appari sa Cagayan
Visayas:
– Cebu City (1st district) at Santander sa Cebu
– Albuquerque at Cortes sa Bohol
Mindanao:
– Dapitan City at Sergio Osmeña Sr., sa Zamboanga del Norte
– Digos City at Bansalan sa Davao del Sur
– General Santos City at Surallah sa South Cotabato
– Jolo at Tongkil sa Sulu
– Lamitan at Sumisip sa Basilan
Layon ng mock elections na maging maayos at mas pulido ang aktwal na halalan sa May 13, 2019.