Batay sa 2019 midterm elections daily monitoring ng National Capital Region Police Office o NCRPO, mula noong 12:01 ng hating gabi ng January 13, 2019 hanggang 5:00 ng umaga ng January 16, 2019 ay nasa 574 ang bilang ng isinagawang checkpoints habang ang iba pang police operations ay nasa 27.
Sa mga nahuli sa election checkpoints, dalawa rito ay dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; at dalawa naman ay dahil sa paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Dalawa rin ang naaresto dahil sa Illegal Possession of Bladed Weapons; at tatlo dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearm and Ammunition.
Sa police patrol naman, pinakamaraming nahuli o nasa labing pito ay dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines, habang apat dahil sa paglabag sa RA 10591.
Ang nakumpiskang armas naman ay nasa walo, samantalang umabot na sa 196 ang mga deadly weapon.