16 na drug suspects arestado; 12 menor-de-edad nasagip sa buy-bust sa Navotas Port

PDEA Photo

Arestado ang nasa labing anim na katao sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Navotas Fishport, sa Barangay North Boulevard sa Navotas City, Miyerkules (Jan. 16) ng umaga.

Pinangunahan ni PDEA Director General Aaron Aquino ang operasyon sa lugar at pagbaklas sa mga umano’y drug den.

Kabilang naman sa nasagip ng PDEA ay nasa labingdalawang menor-de-edad na edad 4 hanggang 5 na taong gulang, na pawang nasa loob ng mga drug den.

Humigit kumulang limampung sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska.

 

Read more...