Embahada ng Pilipinas sa Nairobi, Kenya nagpatupad ng lockdown matapos ang pag-atake sa isang hotel

Patuloy na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Nairobi, Kenya matapos ang insidente ng pamamaril at pagpapasabog sa isang hotel doon.

Ayon sa abiso ng DFA, pinayuhan na ng Philippine Embassy sa Nairobi ang mga Pinoy doon na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan at iwasan ang bahagi ng Westland kung saan naroroon ang Dusit D2 hotel na inatake ng mga armadong grupo.

Ayon kay Ambassador to Kenya Norman Garibay hinihinalang terror attack ang insidente nangyari tatlong kilometro lang ang layo sa embahada.

Agad aniyang nagpatupad ng lockdown sa embahada ng Pilipinas sa Nairobi at hindi pinalabas ang mga tauhan matapos ang pag-atake.

Mayroong 400 Pinoy sa Nairobi.

Read more...