Tatlong sangkot sa ilegal na droga arestado sa Maynila

Naaresto sa ikinasang anti-criminality operation ng Malate Police Station 9 ang tatlong drug suspects na nagbebenta ng illegal drugs sa Malate.

Nadakip sa operasyon sa bahagi ng San Andres St. malapit sa kanto ng Adriatico St. ang mga suspek na sina Eugene Yee, 32 anyos; Ellery Faulmino, 47 anyos at si Mark Anthony Koch, 24 anyos.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang apat na plastic sachet ng shabu.

Isasailalim sa inquest proceeding sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...