5 private emission testing centers sinuspinde ng DOTr

Pinatawan ng suspensyon ng Department of Transportation (DOTr) ang limang Private Emission Testing Centers (PETCs) dahil sa pamemeke ng resulta ng isinasagawa nilang emission tests.

Ang suspension ay matapos ang ginawang imbestigasyon ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES) ng DOTr.

Kabilang sa sinuspinde ang mga sumusunod:

1. Cris Joe Emission Testing Center – Camalig, Meycauayan City, 3020, Bulacan

2. Malabon Grande Emission Testing Center – Brgy. San Juan 1, General Trias, 4107, Cavite

3. Shekinah Smoke Emission Testing Center – Purok 3, Comawas, Bislig City, 8311, Surigao Del Sur

4. Taal Emission Testing Center – Brgy. Carsuche, Taal, 4208, Batangas

5. Vehicle Inspection and Testing Center – Lot #75 Efficiency St., Ph1, Subic Bay Industrial Park, 2222, SBFZ

90 araw na iiral ang suspensyon sa nabanggit na mga emission testing centers.

Ayon sa DOTr, pindalhan na rin nila ng kopya ng suspension order IT Service Provider ng mga naturang kumpanya.

Maari din kasi silang maharap sa parusa kapag patuloy na nagproseso ng datos mula sa mga suspendidong PETCs.

Read more...